Gusto kong umibig. 'Yong totoong nagmamahal. 'Yong pagmamahal na hindi gaya ng pagmamahal sa magulang o kapatid, at lalong hindi 'yong nagmamahal para sa init at libog ng gabi.
Gusto kong maramdaman ang sinasabi sa aklat ng mangingibig - na minsan sa isang tao'y mararamdaman mo ang alwan ng tahanan. Gusto kong may pag-alayan ng mga araw at gabing minsa'y mahirap itawid. Gusto kong may kahati sa bawat tagumpay, bawat alaala, bawat ranas na magkasama.
Gusto kong sa kanya'y tatakbo akong lagi pauwi saan man makarating. Saan man dalhin ng ligalig ng pangarap, s'ya pa rin ang katuparan ng pangarap.
Gusto kong umibig; umibig muli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment